Thursday, May 19, 2011

Unang Lahok: May Batas si Bunso na Madalas ay Hindi Nasusunod.

Isusulat ko ito sa panahong hindi na ako grade conscious, sa panahong tapos na akong pumila sa tila pila ng langgam sa cashier ng pamantasan at sa panahong magulo ang tag-init at tag-ulan gaya ng batuhan ng mga anti-RH at pro-RH. Naging mahirap para sa akin ang muling magsimula ng malayang pagsusulat pagkatapos ng sandamakmak na communication plans, movie reviews, project proposals at madugong thesis. Nagpahirap nang higit sa akin ang pagsali sa isang writing workshop na tinulungan akong maging maingat sa bawat salitang aking isusulat sa anumang porma ng literatura, naging kritilkal rin maging ang mga konseptong binubuo ko pa lamanag sa aking isipan kaya't lubos ang takot ko at maging ng mga ideyang iyon na kumawala kaya madalas ay diretso sa pagkalimot ang lahat. At dahil naniniwala akong ang pinakamapagpalayang paraan sa buhay ng isang tao ay ang pagsusulat, gabi-gabi akong pinaalalahanan ng konsensiya ko na kailangan kong muling humarap sa naturang laban. 


May batas ang Diyos, ang marahil pinakamatandang batas na kinikilala ng maraming tao. May batas ang mga unang sibilisasyon. May batas din ang Espanya kaya't nagkaroon ng batas ang Katipunan. May batas sa barangay, sa bayan, sa lungsod, at sa bansa. May batas sa paaralan. May batas din ang langit, lupa at impiyerno. May batas ang tubig (at metro ng tubig) at apoy. May batas sa trabaho, sa buwis at sa paglalakbay. May batas kahit sa bahay: si Nanay at Tatay, si Ate at Kuya. May batas si Bunso na madalas ay hindi nasusunod. 


Ngunti ang tunay na batas ay nasa atin: nasa pulso ng ating mga puso at nasa tulak ng ating mga utak.


Bilang paunang lahok, hindi ko na ipapaliwanag ang pangalan ng blog ko ngunit ito ay tungkol sa akin at sa batas

No comments:

Post a Comment